Paano makaka-avail ng loan kung registered Micro and Small Enterprise (MSE) o farmers/fisherfolk organization or association?

Ginawa ni Paul Sondia, Binago sa Mon, 24 Nov, 2025 sa 2:19 PM ni Paul Sondia

Ang Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program ay nagbibigay ng pautang para sa farmers at fisherfolk organizations (FFOs), associations o cooperatives (FCAs), at mga agri-fishery micro and small enterprises (MSEs). Kasama rito ang mga sole proprietors, partnerships, at corporations na may agri-fishery related na negosyo.


Para sa mga FFOs/FCAs o MSEs, kailangan po na kayo ay nakarehistro sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS). Kung hindi pa kayo nakarehistro, maaari kayong tulungan ng Department of Agriculture Regional Field Office (DA-RFO) sa inyong lugar para makapag-register.


Bukod sa registered sa FEEDIS, ang mga FFOs/FCAs o MSEs ay kailangan dumaan sa online orientation/briefing para sa basic features ng ANYO program at availment process nito. Maari ninyong tingnan ang directory ng designated focal person sa inyong lugar: https://acpc.gov.ph/focal-person/ upang magrequest ng online orientation.


Para malaman kung kayo ay kwalipikado sa loan at ang mga documentary requirement nito, maaari ninyong i-check ang AgriNegosyo Loan Program Brochure dito: https://acpc.gov.ph/wp-content/uploads/AGRINEGOSYO-2024.pdf


Maraming salamat po.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo